Friday, October 17, 2008

a simple way to celebrate

October 15. My Birthday.
No plans, no party, no nothing. Para sa akin, it was just another day that passed. And since it was my birthday at it fell on a Wednesday, I went to Baclaran with my mom (oh diba? pakabanal ng onti...onti lang naman ) Dun ipinagdasal ko ang lahat ng wish ko, una na sa listahan ay na sana matapos na ang case ko against my former employer, na sana ang result ay in favor of me; pangalawa, na sana lalong maging mas maganda pa ang relationship namin ni jowa ko (hehehe); pangatlo, na sana laging maging ok ang family ko; pang-apat na makahanap na ako ng bagong work, quesehodang sa call center pa yan, I need a fresh start!
After the novena and the mass, my mom and I went to our usual routine na after magsimba sa Baclaran mamamasyal ng onti at kakain sa Mall of Asia. At dahil special day ko, medyo malaki ang budget ng nanay ko. So ayun, we went to Aveneto to eat dinner ay hindi pla cia dinner, FIESTA, malaki kasi ang serving nila dun at tatlong klase ang order namin - pizza, spaghetti at a sample platter consisting of buffalo wings, crabsticks, french fries at potato balls - and dami talaga. So ayun, na bundat kami ng nanay ko.
On the way home. I texted my cousin and jokingly told her na mag-uwi naman ng ice cream para ma feel ko nmn na birthday ko pedeng sabayan na din nya ng cake para masaya! hahaha (alphakapalmuks) then suddenly, my other phone rang, it was a call from the BPO I applied for. At ayun, parang answered prayer cia, kasi ang press release nila I have to wait a week or two to get a final word from them. But a day has passed lang, so ayun na nga, a girl from this contact center called me up at sinabi na I was already shorlisted to several accounts (ang taray, ang haba ng hair ko, pinagkaguluhan ako...JOKE!) pero i have a priority account na daw to consider and they wished me to have my interview within this week - ANG SAYA! sana this is it!
SALAMAT SA MGA BLESSINGS KO
SALAMAT SA LAHAT NG BUMATI AT NAKAALALA :)

Tuesday, October 14, 2008

mga pananaw ni BOB ONG

PAG-IBIG

“Kung hindi mo mahal and isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya..”
“Lahat naman ng tao sumeseryoso pag tinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon.”
“Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.”
“Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.”
“Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.”
“Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.”
“Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.”
” Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo..Dapat lumandi ka din.”
“Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya , naunahan ka lang.”
“Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.”
“Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang.”
“Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?"
“Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.”
“Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama
ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!”
PAG-AARAL
“Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher. (Haaay, sarap!).”
“Nalaman kong marami palang libreng lecture sa mundo, ikaw ang gagawa ng syllabus. Maraming teacher sa labas ng eskuwelahan, desisyon mo kung kanino ka magpapaturo. Lahat tayo enrolled ngayon sa isang university, maraming subject na mahirap, pero dahil libre, ikaw ang talo kung nag-drop ka. Isa-isa tayong ga-graduate, iba’t-ibang paraan. tanging diploma ay ang mga alaala ng kung ano mang tulong o pagmamahal ang iniwan natin sa mundong pinangarap nating baguhin minsan…”
“Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buhay nila. Dahil wala nang mas kawawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa.”
“dalawang dekada ka lang mag-aaral. kung ‘di mo pagtityagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit. sobrang lugi. kung alam lang ‘yan ng mga kabataan, sa pananaw ko ehh walang gugustuhing umiwas sa eskwela.”
BUHAY (IN GENERAL)
“nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration or fill-in-the- blanks na sinasagutan kundi essay na
isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures.”
“Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nang nakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs. Kung hindi mo kayang umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan.”
“Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may pagkukulang sa’yo mga magulang mo, pwde kang manisi at maging rebelde. Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa banding huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili.”
“Tuparin ang mga pangarap. Obligasyon mo yan sa sarili mo. Kung gusto mo mang kumain ng balde-baldeng lupa para malagay ka sa Guinness Book of World Records at maipagmalaki ng bansa natin, sige lang. Nosi balasi. wag mong pansinin ang sasabihin ng mga taong susubok humarang sa’yo. Kung hindi nagsumikap ang mga scientist noon, hindi pa rin tayo dapat nakatira sa jupiter ngayon. Pero hindi pa rin naman talaga tayo nakatira sa jupiter dahil nga hindi nagsumikap ang mga scientist noon. Kita mo yung moral lesson?”
“Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.”
HALO-HALO
“Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima, sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e
nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka.”
“ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko.”
“hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?”
“hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito. at hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan. “
“Sabi nila, sa kahit ano raw problema, isang tao lang ang makakatulong sa’yo - ang sarili mo. Tama sila. Isinuplong ako ng sarili ko. Kaya siguro namigay ng konsyensya ang Diyos, alam niyang hindi sa lahat ng oras e gumagana ang utak ng tao.”
“Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko.”
“Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad ko.”
“Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala.”
“iba ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala.”
“iba ang informal gramar sa mali!!!”
” Para san ba ang cellphone na may camera? Kung kailangan sa buhay un, dapat matagal
na kong patay.”

be loud be proud

Be LOUD. Be PROUD.
wear your school shirt with PRIDE
visit http://twinkletown.multiply.com/