Saturday, July 14, 2007

reinventing

As time goes by, the more I learn about my self. I discover a lot of things about my self - my capabilities, my strength and my weaknesses. And I think I can use these to my advantage.


Eto na naman ako, doing my regular "soul searching" i realized na ayaw ko maging forever employee. I just really need to step up to the game. I don't know how, but I must find a way to go beyond the realms of being in the work force. Para naman diba, at least I can say when the time comes at kapag nag look back ako sa buhay ko, I'll be proud to say na i did something in my life.

Wednesday, July 11, 2007

careless

I thought I had everything under control. As in lahat is smooth sailing around me. I admit naman na I have my share of shortcomings, but I've learned to cover it up nicely. Hindi ko lang talaga ma-gets what happened today. I know, here I am bursting with anger and frustration again, pero kasi naman, hanggang kailan ako ganito. I didn't know what I've did wrong or nagkulang ba ako sa pagtuturo. As far as I know, I've laid all the things na alam ko. Pero, I see minimal improvements of the people who supposedly will be replacing me with my current position. Still as of the moment, i can't rely to them...

Tuesday, July 3, 2007

AA - 27th Anniversary na!

ARTISTANG ARTLETS -ang Samahang pang-Teatro ng Pakultad ng Sining at Kultura ng Unibersidad ng Santo Tomas!

Ito ang pamilyang kinabilangan ko sa loob ng apat na taong pamamamalagi ko sa AB bilang communication arts student at ito pa rin ang pamilyang kinabibilangan ko kahit na ako ay graduate na. Ika nga nila, "once an AA, always an AA". Naka-ukit na ang pangalan ng samahang ito sa aming mga pagkatao.

Ito rin ang samahang nagbigay sa akin ng oportunindad upang ipamalas ko sa ibang tao ang angking talento sa pag arte. Ang samahang nagbigay sa akin ng lakas ng pagkakataon na mag hatid kasiyahan sa aming tagapanood.

Nagsimula ako sa samahang ito bilang "apprentice" kung saan kami ay sinasanay sa iba't ibang mukha ng teatro. Naranasan ko nang maging stage manager, props custodian, set master, custome mistress, artista, stage hands, at kung ano ano pa. Dito ko napatunayan kung hanggang saan ang kayang kong gawin bilang tao.

At ngayon, sa kasaluyukang propesyon ko, masasabi kong nakatulong ng malaki ang mga karanasan ko samahang pang-teatro ng Artistang Artlets. Hinubog nito ang aking pagkatao at tinulungan nito sa halos lahat ng aspeto ng aking buhay.

Sa Artistang Artlets, Mabuhay Tayong lahat!

Passion ABbreviated!