Tuesday, July 3, 2007

AA - 27th Anniversary na!

ARTISTANG ARTLETS -ang Samahang pang-Teatro ng Pakultad ng Sining at Kultura ng Unibersidad ng Santo Tomas!

Ito ang pamilyang kinabilangan ko sa loob ng apat na taong pamamamalagi ko sa AB bilang communication arts student at ito pa rin ang pamilyang kinabibilangan ko kahit na ako ay graduate na. Ika nga nila, "once an AA, always an AA". Naka-ukit na ang pangalan ng samahang ito sa aming mga pagkatao.

Ito rin ang samahang nagbigay sa akin ng oportunindad upang ipamalas ko sa ibang tao ang angking talento sa pag arte. Ang samahang nagbigay sa akin ng lakas ng pagkakataon na mag hatid kasiyahan sa aming tagapanood.

Nagsimula ako sa samahang ito bilang "apprentice" kung saan kami ay sinasanay sa iba't ibang mukha ng teatro. Naranasan ko nang maging stage manager, props custodian, set master, custome mistress, artista, stage hands, at kung ano ano pa. Dito ko napatunayan kung hanggang saan ang kayang kong gawin bilang tao.

At ngayon, sa kasaluyukang propesyon ko, masasabi kong nakatulong ng malaki ang mga karanasan ko samahang pang-teatro ng Artistang Artlets. Hinubog nito ang aking pagkatao at tinulungan nito sa halos lahat ng aspeto ng aking buhay.

Sa Artistang Artlets, Mabuhay Tayong lahat!

Passion ABbreviated!

No comments:

Post a Comment