Thursday, July 31, 2008

Isang Pagbabalik Tanaw

Kay sarap bumalik sa isang parte ng buhay ko na bumuo at kumumpleto ng pagkatao ko bilang AKO. At hindi lang ako, kungdi nang mga taong bumilang sa pamilya na tinatawag naming ARTISTANG ARTLETS.

Hunyo 29, 2008. Isang pag babalik tanaw ang ginawa ng mga “alumni” ng samahang pang teatrong ito. Isang samahan na humubog ng aming sining at pagmamahal sa teatro. Sa taunang “auditons” ng AA, umepal kami.

Nakigulo. Nakisali..


Masaya ang pagbabalik ko; dahil doon ko napagtanto kung gaano ko “na-miss” ang AA at ang mga taong nakasama ko .


Sa loob ng apat na taong inilagi ko sa AA, ito ang naging pamilya ko sa loob at labas ng Unibersidad ng Santo Tomas. AA ang naging pangalawang pamilya ko. AA ang nag taguyod ng pagiging “krung-krung” ko, at ito ang samahan na tumanggap ng pagkatao ko ng buong-buo at walang pag aalinlangan.


Sa aking pagbabalik, inaasahan ko na muling makita ang mga taong napalapit ng husto sa puso ko, ngunit hindi ko inaasahan ang mga reaksyon na nakita ko at makukuha ko. Andun ang pananabik at kagustuhan malaman ang mga nangyari sa mga buhay buhay mula noong kami ay hindi nagkita. Ang sarap pakinggan at makita ang mga pagbabagong naganap sa aming mga buhay ngunit mas masarap madiskubre kung ano ung mga katangian na hindi nagbago sa amin. Nakakatawa mang isipin na mistula kaming mga baliw dahil kada may dumadating na “lumang” mukha, kami ay napapatili at naghihiyawan at nagyayakapan. Ipinararamdam at naramdaman naming todo na ang aming pananabik at pagmamahal sa isa’t isa.


Nakakatuwang marining mula sa isang nag-audition ang kaniyang obserbasyon kung anong pagsasama meron kami at kung gaano katindi ang “bond” namin sa isa’t isa. Salita niya, “nakaktuwa naman kayong tignan, isang buong pamilya kayo!”


Ganun talaga siguro ang kalalabasan kung mag sasama kayo ng apat na taon sa iisang organisasyon at gumagawa kayo ng isang bagay na pareho ninyong gusto.

No comments:

Post a Comment